Home » Archives » February 2009
palabas
Monday, February 16, 2009“Isa kang anghel sa langit”
Sabi sa palabas na
pinanood ko kanina sa lobby;
Tumawa lang ako…
Pero ikaw sobrang natuwa;
“Ang sweet naman”
Magkaiba nga tayo ng mundo
Mayaman ka, mahirap
Ako
Gusto mo yung mga kending
pula sa tindahang bato
Gusto ko ung isaw na
itim sa baga dun sa kanto
Fan ka ni Nietzsche at Mao
Fan mo ako
Kilala ka ng lahat sa
Kolehiyo; sinudundan ng tingin ng mga
Kaklase’t propesor mo
Kinang ko nama’y singsing mo lang…
Isang editor ng ating dyaryo na
Iniisnab basahin ng mga kabaro mo
Iilang tao lang ang kilala ako
Iba talaga ang mundo mo…
“Gusto kita”
Sabi ko sa mga mata mong
nanonood ng palabas sa lobby;
(…tinawanan niya ako)
- - - - - - - - - - - - -
© Ian Pestelos, circa 2002


